(It's that time of year again ...)

"Isang magandang hapon naman diyan!"

Ano daw?

Graduation ceremony. Maingay, madilim, malamok. Maingay dahil maraming tao, madilim dahil gabi, malamok dahil ... malamok, dito.

Dito, sa gitna ng bukid. Isang seremonyas taun-taon, ay kasalukuyang ginaganap -- sa gitna ng bukid -- 'di gaanong kagarbuhan, 'di rin gaanong pinapalakpakan.

'Di rin gaanong pinapalakpakan ... yung guest speaker kasi, e.

Namali ng flight, yata.

Naghapon pa, yata.

Eno tsi chu tsa syi? Huh ...

Dahil madilim na, maraming ilaw ang nakabukas ... mga sampu sa labinlimang ilaw -- labinlima -- kasama nung nasa mga classroom. Kaya, madilim pa rin.

Sa sasampu, may iisa ang 'di nagustuhan ng mga gamugamong dapuan.

Nakatapat kasi sa electric fan.

Tama, 'yung ilaw, kakaiba talaga.

Kakaibang kakaiba. Espesyal nga.

Syempre, sino ba yung mga nagsisipawisan, sino nga ba, sino nga ba'y hindi ...?

Tensionado. Buong paligid, nagkakagulo.

Magsisimula na po ang programa.

Parang yung boses lang e, yung sa commentator dun sa pinapanood kong laro, basketball, sa TV.

At, eto na po, eto na po ...!

Tensionado nga ba? ...

Tensionado, nga. Sa munting platform, tinatawag na ang mga pangalan ng mga kandidato ng campus pageant para sa Q and A portion, este, yung mga honor and behave students, inaawardan na, pala.

At susunod ay yung ... valedictory speech, este, victory speech? Nagsisiiyakan kasi sila, para bang, nanalo sa napakaengrandeng competition, worldwide? Ganun.

Hu - hu - hu -- nakakabanas talaga kapag may umiiyak. Humahagulgol, todo todo. Babae, pati rin pala lalaki. Katulad ng katabi ko, todo todo ang hagulgol ... joke lang, peace.

Yan na, umakyat na ng stage si Miss-- ay, Mister (pala) Valedictorian.

A, oo, siya nga. Siya yung kaklase ko nung isang taon. Ano ba yan.

Napaisip ako: ano naman kaya sasabihin nito?

Napaisip ulit ako: e, mas matalino pa ako sa kanya ... joke lang? Bakit, totoo naman! Ewan, naisip ko lang.

May naalala tuloy ako bigla ...

"Hay, Global Warming, hay naku, hay naku. Ba't ang init init ng gabi na 'to?"

"Kumakanta ka?" natanong ko sa sarili.

"Gising na!" ...

"Gising na, gising na, bumangon na!"

Pagkatapos nun, gumising na siya. Salamat naman sa Diyos.
Re: Maikling maikling [pagmo]monolog?